
Patuloy na naglilingkod ang Philippine Consulate General in Calgary para matiyak na ang bawat Pilipino sa Alberta at Saskatchewan ay may masasandalan sa oras ng pangangailangan. Sa pamamagitan ng Assistance‑to‑Nationals (ATN) services, sinisikap ng Konsulado na maibigay ang agarang tulong, gabay, at proteksyon sa ating mga kababayan, lalo na sa mga nasa mahihirap o sensitibong sitwasyon.












